Farmville Evergreen Tree
This tree can't be harvested!!!
Talk about anything and everything..
This tree can't be harvested!!!
Posted by evideoph/liletzki at 10:53 AM 0 comments
Posted by evideoph/liletzki at 6:04 AM 0 comments
Posted by evideoph/liletzki at 5:12 AM 0 comments
Labels: Mika Batchelor, Survivor Phils. Palau
Posted by evideoph/liletzki at 2:28 AM 0 comments
Labels: Facebook
Sobrang nakakagulat ang nakalipas na tribal council. Hindi akalain ng mga castaways na magkakaroon ng dalawang tribal council sa loob ng isang gabi. Ang daming twist na nangyayari.
Nakakainis na hindi ako nagkamali sa aking hinala na si Echo ang iboboto ng mga castaways at hindi si Shaun pagkatapo ni Tara. Ang galing magpaikot ng AIRAI at ang bobo naman ng KOROR. Madali silang malansi at maloko maliban kay Justine.
Kung nilaro sana ng maayos ni Echo malamang hindi siya ibinoto nina Charles at Suzuki. May pagkakataon na tinanong siya ni Suzuki kung wala na ba talagang KOROR, ano ba ang sagot niya, "Wala na". Sana habang nakikipag-alliance siya sa mga traydor na Airai girls, pinagpatuloy pa rin niya sana ang magandang samahan nila nina Suzuki at inilatag niya agad ang kanyang pangalawang plano. Di sana hindi nagpauto kay Shaun yung dalawa.
Ngayon tatlo na lang ang original na Koror at siguradong iisa-isahin na sila. Sana manalo si Justine sa immunity challenge at mahanap naman ni Zuki ang immunity bracelet. Ang hirap lang kasi kay Zuki di makaintindi ng malalim na Tagalog kaya tuloy nai-share niya sa iba ang second clue. Mukhang si Charles pa naman e madaling mauuto ni Mika para lutuin ang dating original na katribu niya.
Kay Jef its so unfair na siya pa ang tumatagal. Sobrang walang effort sa lahat ng challenges at pa-cute lang. Swerte niya dahil solid ang alliance niya at hindi siya threat sa grupo.
Kay Mika ang galing niya talaga, hindi lang malakas physically sa mga challenges kundi ang galing niya ring magpaikot ng mga tao. Alam niya kung ano ang dapat gawin sa umpisa pa lang. Nakakainis na ugali pero winning attitude talaga kung sa Survivor mo dadalhin.
Posted by evideoph/liletzki at 10:16 AM 0 comments
Labels: Survivor Phils. Palau
I am really proud of this x-men (lol), Justine. To stay alone in an island for 18 days and to beat up all the survivor castaways that has been voted out is really a tough thing to do. She really deserved to belong in the merge.
When "AIRAI" Cris Bolado is sent to the island for their face off, I was afraid that Justine might lose in their battle. But when Paolo told them what the challenge will be I was relieved, she has a chance after all.
While watching her challenge with the previous castaways I felt like crying, at same time envied her toughness and felt very proud of her. Being the very first to be voted out in the tribal council and managed to win every challenges and stayed behind up to the merge, she really is an epitome of a true survivor.
Other castaways in the new tribe "SONSOROL" like Mika already feel threatens of her presence and start making plans in voting her out. I just hope that Justine's luck continues for the coming challenges and find allies that she can trust.
Posted by evideoph/liletzki at 4:07 AM 0 comments
Labels: Justine Ferrer, Survivor Phils. Palau
Hindi pa nga nakakarekober ang mga tao sa nagdaang bagyong "Ondoy" heto at meron na namang bagyong "Pepeng" at meron pang isang parating na bagyo. Paano na lang kaya makakabangon ang mga ordinaryong Pilipino? Ito na yata talaga ang umpisa ng tinatawag nilang Global Warming.
Ang Laguna Bay hanggang ngayon di pa rin bumaba ang tubig at may posibilidad pa itong madagdagan kung patuloy ang pagdating ng mga bagyo. Ayon nga sa balita ang baha sa ibang parte ng Laguna ay maaaring tumagal hanggang pasko.
Nakita ko ang kahabaan ng ilog sa Marikina. Nagulat ako na ganon pala talaga kalala at kadami ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ondoy. Mula sa bundok ng Rizal patungo sa Bulacan at Pampanga. Ang magkabilang gilid ng ilog talagang lubhang nasalanta kaya di natin masisi ng lubusan ang gobyerno tungkol sa rescue operations nila. Sa dami ng biktima imposibleng matugunan nila lahat.
Sa nagdaang kalamidad kitang-kita rin ang pagkakaisa ng mga Pilipino at ang pagkabayanihan. Panay-panay ang dating ng mga relief goods sa mga evacuation centers. Subalit hanggang saan kaya tatagal ang lahat ng ito kung panay din naman ang dating ng bagyo? Hindi kaya magsawa ang mga nagbibigay ng tulong? Ano kaya ang plano ng gobyerno natin para sa mga ganitong kalamidad sa ngayon. May sapat kayang pondo? (Sana meron).
Ang daming katanungan sa aking isip (lol). Malapit na ang eleksyon sana yung mga kandidato na gustong maging pangulo dito na lang ibuhos ang pondo, sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Posted by evideoph/liletzki at 4:53 AM 0 comments
Labels: Bagyo
Posted by evideoph/liletzki at 5:05 AM 0 comments
Today, my son is going to have his monthly examination at school. He's a grade 3 student studying at one of the private schools here in Dasmariñas, Cavite. It's been months that I let him study on his own. I've been busy doing my online works that's why I neglected him sometimes. But still I'm happy that he got good grades at school. Other reason is that I want him not to become too dependent on me. I want him to learn things, decide for himself as early as possible.
After the monthly exam follows the scouting activity. They are going to have a camping at the school. On October they will have a search for Mr. & Ms. United Nations 2009 as a way of celebrating the United Nations Day. He is a member of their Drum & Lyre Troop so every Saturday he attended their practice.
On November they are going to have a field trip. A very expensive one, as all of us will join the trip together with my husband. Two trip schedules was set by the school administrator, one for Baguio and the other for Manila tour. We opted to join the Manila Tour as we have problems in long travel. We don't want to risk our health. Long travel by bus gets us very dizzy and vomit that results in our being hospitalized afterwards. In Manila Tour we are scheduled to visit Museo Pambata, National Library, Crispy Creme or Happy Toothpaste, Settlement House and The Star City (Rides all you can).
Posted by evideoph/liletzki at 9:38 AM 0 comments
Labels: Education
Ilang araw na ang nakakaraan subalit patuloy pa ring naghihirap ang mga taong nasalanta ng "Bagyong Ondoy". May mga lugar pa rin sa Metro Manila na nanatiling lubog sa baha partikular sa ilang bahagi ng Rizal. Sa mga evacuation centers maraming maririnig na mga hinaing lalo na sa kakulangan sa pagkain, tubig, mga damit at kumot. Hindi na rin maiwasan ang pagkakasakit na mga tao lalung-lalo na ang mga bata. Problema rin ang kabuhayan ng bawat pamilyang nasalanta, hindi malaman kung paano ulit magsisimula. Ang buong kabahayan ay puno ng putik kaya wala na ring maisalba sa mga kagamitan.
Nang kumustahin ko ang aking kaibigang taga-Marikina na kasama sa mga nabiktima ng baha, napag-alaman ko na umuwi na rin pala sila sa kanilang bahay at unti-unti ng naglilinis. Pagod na pagod sila ang sabi niya. Parang susuko na ang kanilang katawan sa sobrang pagod. Naikwento din niya ang mga pangyayari sa evacuation site na napuntahan nila, doon nga sa kanilang simbahan.
Naikwento niya na para silang nasa Noah's Ark, sama-sama ang mga tao at hayop, maingay, kanya-kanyang dasal at iyakan. Nangyari pa na nagkaroon ng konting sunog sa evacuation site nila kaya nagkagulo ulit ang mga tao sa kasagsagan ng baha. Buti na lang at madali itong naapula ng mga bumbero. Sa katapat na plasa sa isang bahay doon ay may sumingaw naman na lpg. Buti na lang di natuloy ang sunog, kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
May isang kapatid siya at ang pamilya nito na naiwan sa bahay nila. Buti na lang nakasilong pala ang mga ito sa kapitbahay na mataas ang bahay kaya nakaligtas din sila. Ang sabi niya sa akin kung sinu-sinong opisyal na daw ng Barangay ang nakausap niya para iligtas sana ang mga ito pero wala silang magawa. Kanya-kanyang rescue na lang daw yun ang sagot sa kanya.Sa kakulangan na mga rescuer at ng mga gamit na pang-rescue di naiwasan na mainis siya sa gobyerno. "Walang silbi talaga gobyerno natin" ang sabi niya sa akin. Tatlong araw na silang panay linis sa bahay nila at namaga na rin ang kanyang mga paa dahil sa sobrang babad sa tubig at putik.
Sa lahat ng paghihirap na ito, meron namang mga mabubuting tao na patuloy na tumutulong. Isang halimbawa na ang GMA Kapuso Foundation na patuloy na humihingi ng tulong sa mga tao para ipamahagi sa mga biktima. Dito nakikita ang pagkabayanihan ng mga Pilipino. Mga boluntaryong pagbibigay at pagtulong na walang hinihinging kapalit kundi ang sana'y makabangon ang mga biktima.
Ang ilang ahensiya din ng gobyerno tulad ng GSIS, SSS at Pag-ibig ay dagliang naglaan ng kaukulang pondo para sa mga empleyado na gustong maka-avail ng calamity loan. May mga doktor din na nagpupunta sa mga evacuation sites para tingnan ang kalagayang pangkalusugan ng mga tao.
Ang ilang religious group dito sa lugar namin, mga school ay nag-organisa din ng pangangalap ng mga relief goods na maaaring ipadala sa mga nasalanta.
Nakakalungkot lang na kung merong may tumutulong, meron din namang nanamantala. Katulad na lang kagabi na nagtext ang kaibigan ko. Ang sabi niya putulin daw muna namin ang aming kwentuhan dahil may nakitang magnanakaw na tumatakbo. Sa bubong ng bahay dumaan. Palibahasa'y sira ang ibang kabahayan at madaling mapasok, kahit pa maputik ang mga kagamitan, ang mga masasamang loob na ito ay walang awang pinagnanakawan pa ang mga nabiktima na nga ng baha.
Posted by evideoph/liletzki at 3:49 AM 0 comments
Labels: Bagyo, Current events
September 26, 2009
Sabado
Ito na yata ang pinakamalaking pinsala na naging dulot ng isang bagyo sa ating bansa partikular sa Metro Manila. Ayon sa balita ang katumbas ng 6 na oras na pag-ulan sa araw na ito ay parang ulan na natin sa loob ng isang buwan. Siguro daw ay epekto na ito ng pagbabago ng panahon na kailangan nating paghandaan: Ang sobrang pag-ulan o sobrang walang ulan.
Sa aking panonood sa telebisyon, nasaksihan ko ang paghihirap ng ating mga kababayan na naglalakad sa kalsada, mga sasakyang naistak na sa daan, mga taong stranded sa sariling bahay dahil sa sobrang taas ng baha at ang pagnanais ng ating gobyerno na tulungan ang lahat ng nangangailangan.
Alas Dos ng hapon sa araw na ito nag-umpisa ako na makatanggap ng text buhat sa kumare ko na nakatira sa Royalville Subd., Sta. Elena, Marikina City. Ayon sa kanya natatakot siya dahil umabot na sa kalsada nila ang baha. Nasa ibaba kasi ng subdibisyon nila ang bahagi ng Marikina River at umapaw na ito hanggang sa lugar nila. Sumunod na text niya humihingi na siya ng tulong dahil sobrang taas na daw ng tubig. Lilisan na sila papunta sa simbahan ng Sta. Elena para doon manatili. Subalit naiwan pa ang kapatid niya sa bahay para siguro magbantay pa sa mga gamit. Nagmamakaawa na siya na kumontak ng rescue na maaring makatulong sa kanila. Sinubukan kong kontakin ang mga hotlines na galing sa GMA7 pero lahat ay busy. Ang huling text niya sa akin ay nalubog na ang mga bahay sa subdibisyon nila dahil inabot na rin ng baha ang simbahan at pumanhik na rin sila sa 2nd flr. nito. Sana makarating ang mga rescue team sa kanila sa tamang oras. Gutom na sila, nag-iiyakan ang mga bata. Wala silang nailigtas na gamit maliban sa pera at papeles na una niyang kinuha. Ang ibang gamit at damit nila lumutang na rin sa tubig at inanod ng baha. Sa panonood ko ng balita kanina, di ko pa nakita na may report na galing sa kanila. Pati ang address nila sa Marikina ay di ko nakita sa listahan ng GMA7 na nangangailangan ng rescue. Sa kawalang magawa dahil di ko naman makontak ang mga hotlines, nagpost ako sa aking twitter account ng panawagan gayon din sa facebook. Hanggang makita ko ang facebook ng GMA at nakapagpost ako ng report doon. Sana mailigtas na silang lahat.
Sana mailigtas na rin ang mga artistang sina Jennica Garcia, Cristine Reyes at ang iba pang kasama nila. Hindi na sana dumami pa ang bilang ng mga nasawi ng bagyo. Sana ay marami ang mag-abot ng tulong para sa mga biktima at huwag sanang magsamantala ang mga taong likas na masasama.
Ayon sa Pag-asa ay humuhupa na ang bagyo at paalis na rin ito. Sana naman po huminto na ang ulan para mapabilis ang pagliligtas sa mga biktima ng pagbaha.
Bilang tulong na magagawa ko ay ang pagdadasal para sa mga tao at pagbibigay ng mga bagay tulad ng mga damit. Dadalhin ko ito bukas sa simbahan namin. Sana tumulong ang lahat! Kailangang-kailangan po ito ngayon.
Posted by evideoph/liletzki at 9:29 AM 0 comments
Labels: Bagyo, Current events
Since Sen. Noynoy Aquino announced his intention to run for Presidency, I can't help asking myself why this early? Is he really fit to run? Can't he wait for another 6 years? Is he capitalizing on the recent death of his mother, Former Pres. Corazon Aquino, that their name is still fresh on people's minds thus giving him an edge to his opponents in terms of popularity?
In my opinion I think its not yet the right time. I like the Aquino family and of course their names are not tainted of anything bad with regards to running a government office. I may agree to make Pres. Cory Aquino as one of our national heroes. I even like Kris even if she's tackless sometimes, she is very smart, independent and really intelligent. In short, I also like Noynoy to become a President but not in this coming election.
I'm really having a dilemma if I vote for him or not. I wish he didn't rush everything and just continue to serve the people as a Senator, observe and gain more knowledge on how to effectively run the government.
Posted by evideoph/liletzki at 5:46 AM 0 comments
Labels: Current events, Politics
Blogger template 'Pinki' by Ourblogtemplates.com 2008