Facebook Addiction

Dati-rati ako lang ang gumagamit ng Facebook sa bahay. Gumawa ako ng account dahil sa mga nababasa ko maganda raw itong gamitin sa pag-expose ng mga ads. As we are in online business, sinubukan ko ito. Unfortunately wala pa namang feedback na nagkaron ako ng buyer sa site na ito. Pero bilib ako sa dami ng gumagamit ng Facebook. Ngayon pati asawa at anak ko nag-facebook na rin. Nag-umpisa ito ng magtext ang ninong ng anak ko sa mister ko at tanungin kung may facebook account ba siya. Nagpapa-add kasi si ninong. Meron daw kasi siyang Farmville. Ngayon ang nangyari hinahabol ng mister ko ang Farmville ng kumpare niya. Naging madalas ang paglalaro namin para bumilis ang level up. Pati mga customer namin sa bahay panay ang tanong kung may facebook ba para dumami agad ang friends.
Ngayon ang epekto ng Facebook sa amin naging abala na sa trabaho. Sa halip na mag-update ng ads nang-aagaw na ng oras ang facebook. Pati oras ng pag harvest sa Farmville or pag-ahon ng mga nilutong pagkain sa Cafe World kasama na sa minomonitor namin. Adik na! Madalas ding madaling-araw na kung matulog kaming mag-asawa. At napabayaan na rin ang pag-aaral ng anak ko.
As of now unti-unti ko na itong binabago. Masarap maglaro pero di natin dapat pabayaan ang mga dati na nating gawain lalo na kung nakakasama na ito sa pamumuhay.
0 comments:
Post a Comment