Saturday, November 7, 2009

Bye! Bye! Mika

http://blogs.gmanews.tv/survivor-philippines/images/stories/sppcastaways/mika1.jpg

Ang dami sigurong Pilipinong nagdiwang ng mavote-out si Mika sa tribal council ng Survivor Philippines Palau. Siyempre natuwa rin ako. At tuwang-tuwa rin ang mga jury. Nawala na ang leader ng pautakan at trayduran.

Natural na kasi sa mga Pilipino ang maging maawain at ayaw sa mga taong mapanlamang. Since game lang naman yun naiintindihan ko naman kung bakit ganun sina Mika at Amanda. Kaya lang parang sila ang nadiin dun sa mga taong nagpapa-ikot ng kapwa nila castaways. Pareho silang magaling ni Amanda physically at mentally.

Kaya lang kung ikaw naman si Jeff ibibigay mo na lang ba sa kanila ang panalo? Bakit nga naman magtitiyaga ka sa top 3 kung pwede kang maging top 2 or champion.

Wrong move para kay Amanda ang piliin si Mika sa dalawang pagkakataon para isama sa mga reward escapades niya. Masyado yata silang naging kampante na parati na lang susunod sa kanila si Jef. Ayun tuloy ang nangyari, nagselos yung isa at parang napatunayan niya na hindi siya mahalaga sa dalawang babae. Kooperasyon lang niya ang mahalaga. May ganun ba? Pwedeng ivote-out ang ibang castaway pero sina Mika at Amanda di pwede? Kaya sila nagagalit kasi di sila dapat matanggal. Hindi rin naman daw deserving si Jef na manalo sa game dahil parang walang effort lagi kung maglaro. Pero kasalanan ba naman ni Jef kung di siya tinatanggal sa laro? Umabot siya ng top 5 dahil feeling ng magagaling hindi siya threat sa labanan.

May utang na loob siya kay Mika dahil sa pagtulong nito sa kanya sa huling immunity challenge, pero hindi naman yata dahilan yun para ipaubaya sa kanila ang panalo. At sa ginawang aksyon nina Mika at Amanda sa kanya na sinumbatan siya at hinaras-haras emotionally lalo lang naniwala si Jef na hindi na sila dapat pang manatili sa game.

Sa opinyon ko lang kung mananalo si Amanda sa huling immunity challenge may laban naman siya kay Justine. Kung di siya mananalo sa immunity Bye! Bye! Amanda na rin for sure.

0 comments:

Blogger template 'Pinki' by Ourblogtemplates.com 2008

Jump to TOP