Friday, October 16, 2009

Traydoran sa Survivor Philippines Palau

Sobrang nakakagulat ang nakalipas na tribal council. Hindi akalain ng mga castaways na magkakaroon ng dalawang tribal council sa loob ng isang gabi. Ang daming twist na nangyayari.
Nakakainis na hindi ako nagkamali sa aking hinala na si Echo ang iboboto ng mga castaways at hindi si Shaun pagkatapo ni Tara. Ang galing magpaikot ng AIRAI at ang bobo naman ng KOROR. Madali silang malansi at maloko maliban kay Justine.

Kung nilaro sana ng maayos ni Echo malamang hindi siya ibinoto nina Charles at Suzuki. May pagkakataon na tinanong siya ni Suzuki kung wala na ba talagang KOROR, ano ba ang sagot niya, "Wala na". Sana habang nakikipag-alliance siya sa mga traydor na Airai girls, pinagpatuloy pa rin niya sana ang magandang samahan nila nina Suzuki at inilatag niya agad ang kanyang pangalawang plano. Di sana hindi nagpauto kay Shaun yung dalawa.

Ngayon tatlo na lang ang original na Koror at siguradong iisa-isahin na sila. Sana manalo si Justine sa immunity challenge at mahanap naman ni Zuki ang immunity bracelet. Ang hirap lang kasi kay Zuki di makaintindi ng malalim na Tagalog kaya tuloy nai-share niya sa iba ang second clue. Mukhang si Charles pa naman e madaling mauuto ni Mika para lutuin ang dating original na katribu niya.

Kay Jef its so unfair na siya pa ang tumatagal. Sobrang walang effort sa lahat ng challenges at pa-cute lang. Swerte niya dahil solid ang alliance niya at hindi siya threat sa grupo.

Kay Mika ang galing niya talaga, hindi lang malakas physically sa mga challenges kundi ang galing niya ring magpaikot ng mga tao. Alam niya kung ano ang dapat gawin sa umpisa pa lang. Nakakainis na ugali pero winning attitude talaga kung sa Survivor mo dadalhin.

Ayon sa mga forum na nababasa ko (mawawalan ng thrill) babae daw ang nanalo sa Survivor Philippines na yan. I hope its not Mika. Mas gusto ko pa rin si Justine and I think mas deserving siya dahil sa lahat ng panalo niya sa Isla Purgatoryo utak at lakas din ng katawan ang naging puhunan niya. At wala siyang ginagamit na ibang tao para manalo.

0 comments:

Blogger template 'Pinki' by Ourblogtemplates.com 2008

Jump to TOP